Katanggapan

(Discriminasyon sa mga bakla na sumasali sa mga beauty contest.)

Si Matthew, nakikilala bilang “Mutya” sa gabi. Mahilig siyang sumali sa mga beauty contest nang hindi alam ng kanyang mga magulang.

Noong siya’y labing-tatlonng taong gulang, nasimulan niyang magustuhan ang mga bagay na hindi nararapat sa lalaki, tulad ng mga damit ng kanyang Ate, na si Maria.

Makalipas ang 5 taon, nagsimula na siyang sumali sa mga beauty contest. May sinalihan siyang patimpalak sa Plaza habang ang ama ni Matthew ay naglalakad pauwi galing sa trabaho at nadaanan niya ang kanyang anak. Nagulat siya nang makita ang kanyang lalaking anak na sumasali na beauty contest, pero pinanood niya ito. Pagkatapos ng patimpalak, laking gulat ni Matthew na makita ang kanyang ama doon, at hindi siya nagalit.

“Pa?”

“Matthew! Mahusay ka pala sa mga ganitong patimpalak eh!”

“Uh…Pa, di po kayo galit na bakla ako?”

“Matagal ko nang napansin na hindi ka…lalaki anak, simula nung makita kita nung isang araw sa kwarto ng ate mo’t tumitingin sa mga damit niya, nalaman kong ganun rin ang mga gusto mo. Bakit ako magagalit, kung ayan ang gusto mo maging, sino ako para pigilan ka? Ikaw ang bahala sa buhay mo at wala na akong magagawa dahil alam kong masaya ka bilang bakla.”

Hindi na nagsalita si Matthew, yinakap nalang niya ang kanyang ama at sabay sila umuwi.

Pagdating nila sa bahay, nakita ng kanyang ina ang itsura ng kanyang lalaking anak.

“Matthew ano yang suot mo?!”

“Uh..Nay-“

“Ano?! Bakla ka?!” Humarap siya sa kanyang asawa, “At ikaw? Wala ka man lang ginawa? Papayag ka na ganyan ang lalaki mong anak?”

“Tanggap ko na, matagal na, ikaw, hindi mo ba napansin na ganyang ang anak mo? Na hindi siya lalaki?” Sabi ng ama.

“Hindi pwede! Hindi ko to matatanggap, hindi ngayon o kailanman!” Humarap muli kay Matthew, “Ikaw, lalaki ka, lalaki! Hindi pwede ang bakla bakla sa bahay na ito! Sino ang magdadala ng pangalan natin? Ano ang iisipin ng mga kaibigan ko? Na bakla ang iisa kong lalaking anak? Hindi naman pwede yon diba? At ano sasabihin ng mga kaibigan mo? Pagtatawanan ka nila at sigurado, bukas na bukas wala ka ng mga kaibigan!”

“Nay, bakla po ako, alam ko pong mahirap tanggapin pero eto po ako. Kung hindi niyo matatanggap ang anyo ko, hindi ko po alam ang gagawin ko. Kayo po diba dapat ang tumatanggap nito, hindi si itay? Pero baliktad na pala ag mundo ngayon! Kung natatakot kayo sa iisipin ng mga kaibigan mo, hindi ko na po problema yon, kanila na, hindi nila mapipigilan ang gusto ko, at ang gusto ko po ay maging bakla. At ang mga kaibigan ko? Alam po nila, at ok lang po sakanila na maging bakla ako, alam naman po nila na hindi ko sila titingnan ng ganon, at tanggap po nila ako.”

Umalis na si Matthew at tumuloy sa kanyang kwarto.

Sa susunod na araw, kwinento niya kay Alex ang mga nangyari kagabi. Si Alex ay ang kanyang bespren mula pagkabata. Ipinagtatanggol ni Alex si Matthew sa lahat na hindi tanggap na bakla siya.

Pero iba ang tingin ni Matthew kay Alex. Matagal na niya tong gusto, hindi lang pinapakita. Laging kinikilig si Matthew pag pinagtatanggol siya ni Alex, lagi siyang nakangiti pag kasama niya si Alex, at sigurado, si Alex ang rason na talagang naunawaan ni Matthew na bakla siya. Pero, isang araw, nang magisa silang dalawa sa kwarto ni Matthew, nagtatawanan at nagbibiruan, nadulas bigla si Matthew.

*FLASHBACK*

“Kaya kita nagustuhan e-“

“Ano?” Sabi ni Alex.

“Ah, uh..wala wala!”

“Kaya mo ko nagustuhan? So…gusto mo ko?”

“Huh?! Ikaw talaga, pala biro ka!”

“Pero yun ang sabi mo diba?”

“Ah…eh… oo, pero wala yon, kunwari nalang wala akong sinabi!”

“Eh…” Sabi ni Alex, “Pano kung sinabi kong gusto rin kita?”

“HA?!?!?” Napasigaw bigla si Matthew.

“Uh.. alam kong mali pero masaya ako pag kasama kita eh, at iba ang nararamdaman ko pag kasama kita.”

“Matagal mo na bang nararamdaman to?”

“Oo, pagkatapos kong malaman na bakla ka. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya nun, kasi baka sakaling magustuhan mo rin ako, at pwede maging…..tayo.”

Hindi makasalita si Matthew, nagulat siya, pero sa sobrang saya niya, yinakap niya agad si Alex at sinabi, “Gusto rin kita.”

*FLACKBACK ENDS*

Simula non, naging sila na ni Alex. Pero may isang babae na laging hatol sa pagibig ni Matthew at Alex. Ang pangalan niya’y Lily. Siya ang laging umaabuso kay Matthew, laging pinagtatawanan at laging ipinapahiya sa harap ng maraming tao dahil bakla siya. Alam ko iniisip niyo, ayaw niya rin sa mga bakla, pero hindi, dahil siya mismo ay may kapatid na bakla at mahal na mahal niya ito. Ang totoo, matagal na niyang gusto si Alex, bago pa maging sila ni Matthew, at bago pa magustuhan ni Alex si Matthew. Lahat na ay nagawa ni Lily para mapansin siya ni Alex, pero walang gumana dahil si Matthew lamang ang nakikita ni Alex, hindi siya interesado sa ibang tao, lalaki man o babae.

Isang araw, nautakan si Lily at alam na niya kung pano siya mapapansin ni Alex, at magagawa niya yon pag inaway niya si Matthew. Alam niyang ayaw niyang may nangaabuso sa mga bakla, dahil alam niya kung ano pinagdadaanan nila dahil kinekwento sakanya ng kanyang kapatid, at ayaw niyang maramdaman yon ng ibang tao. Pero kung ito ang tanging paraan na mapansin siya ni Alex, gagawin niya ito. Baliw siya no?

Sa susunod na linggo, sasali si si Matthew sa beauty contest sa katapusan ng linggo. Narinig ni Lily and balitang ito at nagkaron siya ng ideya.

-Beauty contest-

“..At ang huling contestant na si Matthew, Mutya sa gabi!” Sabi ni host, at pumunta si Mutya sa entablado.

“Ako si Mutya, ang magandang beki from Pasig City!!!!!”

Pagkasabing pagkasabi ni Mutya ng kanyang biglang binatuhan siya ng itlog. Nagulat siya ng makita niyang si Lily ang nagtapon ng itlog, at tumatawa si Lily ng malakas..parang si Mutya ang tinatawanan.

“Hahaha, yan? Sasali sa mga ganito? Di bagay, may mga bakla talaga na dapat nagtatago nalang sa bahay.” Sinabi ni Lily sa lahat.

At pagkasabi ni Lily non, tumakbo si Mutya paalis ng entablado at umuwing umiiyak.

Sunod na araw, nasa bahay sila ni Matthew, napansin ni Alex na tahimik si Matthew. Nang tanungin siya, ayaw niyang sabihin kung ano meron kaya’t di muna kinulit ni Alex. Pagdating ng gabi, hindi na napigilan ni Alex na kulitin si Matthew dahil ayaw niyang nakikita na problemado at hindi masaya si Matthew. Hindi na nakayanan ni Matthew na itago kay Alex, kaya’t sinabi na niya. Kwinento niya ang nangyari sa beauty contest at ang sinabi ni Lily sa mga tao na napahiya siya, kaya siya umuwi. Hindi nagsalita si Alex, lumabas lang ng bahay at umalis. Sinubukan ni Matthew tawagin pero siguro kailangan lang niya ng panahon na iproseso ang mga sinabi ni Matthew.

Sunod na araw, pinuntahan ni Alex si Lily sa kanyang bahay.

“Sino yan?”

“Alex po, kaibigan ni Lily.”

Bumukas ang pinto at ipinakita si Lily.

“Alex! Ano ang kailangan mo? Wala na ba kayo nung bakla mong jowa?”

“Bakit mo ginawa kay Matthew yon? Bakit mo siya ipinahiya sa harap ng maraming tao? Bakit mo kinuha sakanya ang iisang bagay na nagpapasaya sakanya, iisang bagay na hindi siya hinuhusgahan dahil sa kanyang anyo?”

Natakot si Lily dahil medyo pasigaw sinabi ni Alex ang mga ito. Pero pabulong niyang nasabi, “…Dahil kinuha niya yung sakin.”

“Ano? Anong pinagsasasabi mo?”

“Ikaw! Ikaw ang iisang bagay na nagpapasaya sakin! Ikaw ang lagi kong binibigyan ng panahon, pero hindi mo ko pinapansin dahil lagi kang nakatutok kay Matthew!”

Hindi nakapagsalita si Alex, dahil nagulat siya sa sinabi ni Lily.

“Hindi mo ba napapansin na laging ako yung biglang nandyan para sayo? Hindi mo ba napapansin na kapag may maliit kayong pinagawayan ni Matthew, ako lagi ang nagtatanong kung ok ka lang? Pero hindi mo ko tinuring bilang kaibigan! Hindi mo ko pinapansin! Itinuri kita bilang buong mundo ko Alex, pero di mo man lang nagawang tingnan ako.”

“Lily, hindi ko alam na ganyan ang nararamdaman mo. Hindi ko rin napansin na gusto mo ako-“

“Hindi mo talaga mapapansin, dahil si Matthew lang ang lagi mong nakikita! Siya lamang ang nakikita mo. Pano ako, Alex? Mahal rin kita.”

“Alam kong masakit, dahil sabi mong mahal mo ako. Pero bakla ako. Ang mahal ko ay si Matthew. Siya ang nagpapasaya sakin at ako ang nagpapasaya sakanya. Hindi ko alam kung bakit mo ako nagustuhan eh, nung una pa lamang ay halata na na si Matthew ang gusto ko. Pero sorry Lily, hindi ko sinasadya na saktan ka. Hindi ko ginusto yon. Pero hindi mo kailangan saktan si Matthew para mapansin kita. Pero Lily, makakahanap ka ng ibang lalaki, tunay na lalaki, na magmamahal sayo at bibigyan ka ng atensyon tulad ng atensyon na binibigay k okay Matthew. Atensyon na hindi niya mapapansin ang lahat dahil sayo lang siya nakatingin. Hindi ko mabibigay sayo yun, pero alam kong mahahanap mo ang taong makakabigay sayo ng kasiyahan. Pero isa pang pabora, pwede ka bang magpaumanhin kay Matthew? Ayoko kasing nakikitang nasasaktan siya eh.”

“Sige, Alex.”

Sa gitna ng araw, nagpaumanhin si Lily kay Matthew at sinabi niya ang dahilan kung bakit niya ginawa yon. Naintindihan siya ni Matthew at agad na pinatawad, at sabi niyang pag ganun ang sitwasyon niya, ganun rin ang gagawin niya. Nagtawanan ang dalawa at nagawa maging magkaibigan.

Pagkatapos ng 2 taon, nakahanap na si Lily ng kanyang mamahalin habang buhay, at naging matalik na kaibigan ni Matthew si Lily. Natanggap na ng ina ni Matthew kung ano siya, may mga panahon na halatang pilit, pero gumagawa silang paraan para mapadali at sumaya silang dalawa. Habang si Matthew at Alex naman ay staying strong parin. Alam kong sabi nila na ang mga relasyong ganon ay hindi magtatagal, pero sa tingin ko, ang pagibig nina Matthew at Alex ay kasing lakas lang ng pagiibigan ng babae at lalaki.

 Mga May-Akda:


Dim, Annika
Lim, Erika
Reyes, Thea
Rillon, Cheski
Vicente, Pamela

Sorpresa

(Yolanda)

Maligalig akong ngayong araw na ito sapagkat anibersaryo namin ni Reg, ang Pilipino kong kasintahan. Ritual ko na araw-araw ang pagbati kay Reg ng “Good Morning” sa paghihintay ko sa kaniyang paggising, ngunit sa araw na ito gayunpama’y pinaplano kong ibahin ang aming nakaugalian dahil alam ko naman na natural na sa babae ang pagiging maalalahanin. Alam kong inaasahan niyang hinding-hindi ko makakalimutan ang araw na ito.

Pinagisipan ko ito ng mabuti at inalala ko lahat ng posibleng magiging reaksyon niya sa gagawin ko at pagkatapos ng lahat ng kikilatis ay tinuloy ko na ang plano ko, na magpanggap na nakalimutan ko ang pinaka importanteng araw para sa amin. Hindi ako natiis ni Reg kaya’t tinanong niya sa akin kung ako’y may nakakaligtaan at ako nama’y nagpangap na walang especial na okasyon ngayong araw na ito. Napansin ko ang biglang paglamig ng damdamin ni Reg. Nanghihinayang ako na baka hindi ko na maipakita ang aking plano ngunit hindi niya naman alam na may rason ako kung bakit ko ito ginagawa. Balak kong isurpresa si Reg sa kantang ginawa ko para sa kanya.

Nag video chat kami at doo’y kinanta ko sakanya ang kantang aking inihanda. Nakita ko sa kanyang mga mata ang sigla at doon, sinabi ko sakanya kung gano ko siya kamahal na kahit ano pa man ang mangyari siya lang ang babaeng aking mamahalin panghabang buhay. Ngunit hindi nagtagal nagsimula nang mawala ang signal. Naghintay ako halos buong araw pero ni isang text wala na akong nakuha mula sa kanya.

Nung una,akala ko yun ang kanyang paraan upang gumanti sakin pero hindi ko siya natiis kaya nung gabi, habang ako’y nanunuod ng balita, sinubukan ko ulit siyang i-text upang kamustahin at tanungin kung kumain na ba siya pero laking gulat ko ng makita ko sa balita na may bagyong sumalanta sa Pilipinas na nagdulot ng isang malaking trahedya kasama na dito ang lugar na kinaroonan ni Reg. Hindi ko alam ang gagawin, sapagkat kami’y malayo sa isa’t isa. Sinubukan ko ulit na siya’y kontakin ngunit wala akong sagot na nakuha.

 Nagsimula na akong kabahan lalo na’t malayosiya sa akin at hindi ako nakasisiguro sa totoo niyang kalagayan. Hindi na ako nag dalawangisip pa para ibenta ang iba kong ari-arian, makalikomlang ng pera upang makarating ako sa minamahal ko.

Nang makapagbook ako ng flight papuntang Pilipinas gamit ang perang aking nalikom, dali-dali akong pumuntang Tacloban kung saan naroroon si Reg. Buti na lamang na matagal ko nang pinaplano na pumunta dito kung kaya’t may kaunti na akong kaalaman sa lugar. Nung una, hindi ko alam kung saan ako magsisimula sa paghahanap pero hindi ako ai gad sumuko dahil sa kadahilanang ito. Inisa-isa ko ang mga evacuation center at ospital, tinignan ko ang mga listahan ng mga nasawi at ang mga survivors. Halos mga walong ospital at limang centers na ang aking napuntahan  ngunit wala siya rito. Nagsimula na akong mawalan ng pagasa pero napagisip isip ko na hindi naman ako mapaparito at isusugal ang mga ari-arian ko kung hindi  mahalaga sa akin si Reg. ipinagpatuloy ko ang paghahanap bagamat ang hindi maipagkakailang pagod, takot at pagkadismaya na nararamdaman ko. Napadpad ako sa isang may pagkaliit liit na ospital, tinignan ko ang listahan at Ayun! Nakita ko ang pangalan ni Reg dali-dali ko siyang pinuntahan at nakita ang kanyang kalagayan.

Hinagpis at lumbay ang aking nadarama sa sandaling pagsulyap ko kay Reg. Ito ang kauna-unahang pagkita ko sa aking kasintahan. Masama ang kaniyang kalagayan. Ang kaniyang panga, hita, braso, at ilang mga daliri ay nabali, nagkaroon din siya ng malalim na hiwa sa mukha at katawan. Kinailangan niyang magpaopera sa lalong madaling panahon. Niyakap ko siya ng napakahigpit nang siya’y aking makita. “Sino ka?”, ang sagot niya. Gumoho ang mundo ko nang marinig kong lumabas iyon sa kaniyang labi. Kinausap ko ang doktor at kaniyang sinabi na naapektuhan pala ang utak ni Reg. Ako’y nagugulumihanan sa lahat ng mga pangyayari. Hindi ako makapaniwalang hindi ako makilala ng aking mahal. Pumasok ako sa silid at nagpakilala kay Reg bilang kaniyang kasintahan. Lubha akong nasasaktan para sa kanya dahil wala siyang naaalala. Bagamat sa kondisyon niya, hindi ko siya pakakawalan. Binayaran ko ang lahat ng gastos sa ospital at araw-araw ko siyang inaalagaan

Masakit man tanggapin ang nangyari sa pinaka mamahal ko, ngunit kailangan tanggapin. inaamin kong nagkulang ako sa pagaalaga sa kanya ng harap harapan at naipagkaila ko sa kanya na maiparamdam ang pagmamahal ng isang nobyo na nasa kanyang tabi kung kinakailangan niya ng mga halik at yakap nito. Wala akong pinagsisisihan sa aming relasyon dahil magkalayo man ang aming mga kinalalagayan, walang araw ang lumipas na hindi ko ipinapa-alam sa kanya kung gaano ko siya kamahal. Ngayong iba na ang kanyang itsura kumpara sa aking nakikita araw araw noon gamit lamang ang webcam, hindi parin nagbago ang tingin ko para sa kanya. siya parin ang babaeng nakakapag patuliro sa akin, nakakaintindi at ang nakapukaw ng mga mata at ang may hawak ng aking puso. Si Reg parin ang pinapangarap at inaasam kong makasama habang buhay. Naghahalong kaba, takot at hindi makapag intay na lumabas na mga salita ang mga tumatakbo sa isip ko. Sa aking paghuhuludili, halos tawagin ko na ang lahat ng santo na kilala ko para lang masabi ko na sa kanya ang matagal ko nang gusting itanong. “Reg, alam kong naguguluhan ka pa sa mga nangyayari ngayon, at hindi mo ako mapagkatiwalaan ng buo. Pero ito ang ipinapangako ko sayo. Hindi ako aalis sa tabi mo hangga’t sa gusto mo at tuluyan kang makarecober sa kalagayan mo ngayon. Hindi ko rin hinahangad na pilitin kang alalahanin mo kung sino ako sa buhay mo. Ituring mo akong kaibigan mo na kaagapay mo salahat ng bagay at…” “Carlo, ikaw ang hinding-hindi ko makakalimutan dahil ikaw ang pinaka magandang nangyari sa akin sa buong buhay ko” “Reg, gusto kitang alagaan habang buhay. Ikaw ang babaeng gusto kong makasama pag harap ko sa altar…will you marry me?” “Oo, Carlo. Oo!”

Hindi man niya maalala lubus-lubusan ang lahat ng aming naag daanan, hindi ako nangangambang tuluyan na mabura ang lahat ng iyon mula sa kanyang isipan dahil alam kong hindi nakakalimot ang puso.

Mga may akda:

Rae Janea Reynoso
Erika Xam Maximo
Regine Victoria Tito
Kathleen Marie Tan
Annika Dim
Monica Divino   

Sa Hindi Inaasahan

(Justin Bieber nahuling nagmamaneho ng lasing)

Ako is Jose Villanueva. Gusto ko lamang ilahad ang aking munting kwento upang mag parating ng napakahalagang mensahe. Sa mga nagbabasa nito, naway matuto kayo sa mga pagkakamali ko at lalong lalo na sa mga pagkakamali niyo. Habang may oras pa, gawin ang tama, alang alang sa ikabubuti ng mga taong mahal mo at nagmamahal sayo.

Masayang nagsimula ang pamilya namin ni Anabel. Ako ang padre de pamilya at si Anabel naman ang pinakamabait at pinakamagandang ilaw ng tahanan. Nang dumating si Chiko sa aming buhay, tila kami na ang pinaka masasayang tao sa buong mundo. Ang kaisaisa naming anak na nagdagdag ng kulay at sigla sa tahanan na aming sinisimulan. Dahil sa nakatapos naman ako sa kolehiyo, madali naman akong nakahanap ng trabaho. Bagamat hindi gaano kalaki ang sweldo ko bilang isang negosyante, ngunit sapat naman ito upang tustusan ang pag-aaral ni Chiko at ang pangangailangan ng aking pamilya. Ang anak naming si Chiko ay limang taong gulang na nagaaral sa preschool sa Manggahan Elementary School. Namumuhay kami ng Masaya at mapayapa. Ngunit dumating ang isang araw, hudyat ng isang malaking pagbabago sa aming buhay, nalugi ang negosyo namin sa hindi inaasahang pagkakataon. Pano ko na bubuhayin si Chiko? Si Anabel? Gabi-gabi ako’y nagpakalasing nagbabakasakaling mawala ang galit na aking nararamdaman sa pag lugi ng negosyo namin. Napabayaan ko ang aking sarili pati narin ang aking pamilya. Matagal-tagal akong nalulong sa pagiinom at dumating naring sa pagkakataong na muntik narin akong malulong sa droga. Umuuwi ako tuwing gabi nang lasing at laging bumibigat ang sakit saaking puso tuwing nakikita ako ni Chiko na nagkakaganito sa kanyang murang idad. Hindi ko mapigilang sisihin ang sarili ko sa lahat ng pagdurusang dinarama ng pamilya ko. Gusto ko nang bumawi, gusto ko nang magtrabaho muli ngunit nahirapan na akong tumigil sa bisyo at pag inom. Mahal ko ang pamilya ko. Ngunit napuno ang puso ko ng kalungkutan at pait. Akala ko noon na ang pag iinom ang sagot saaking mga problema. Pinipilit ako ni Anabel na tumigil na at magtrabaho na muli. Gusto ko, ngunit may kusang pumipigal saakin. Hanggang isang araw, napagtanto ko na oras na upang sundin ang aking asawa at magsimula na ulit. Naghanap ako ng trabaho. Naglibot libot ako sa lunsod ng maynila, nagbabakasakaling may mahanap akong maayos na trabaho katulad ng dati. Lumipas na ang mahigit labing dalawang oras sa pag lilibot ngunit wala parin akong napasukan. Hinanap nanaman ng dila ko ang lasa ng alak. Naglakad ako patungo sa karinderia na hindi naman kalayuan.  Habang ako’y bumibili ng alak at hapunan, may narinig akong isang mama na nagsisisigaw “Ang susungit ng mga pasahero! Ayoko na! Ayoko na mging taxi driver!” Ako’y natuliro pero lumipas ang ilang minuto, nahanap ko ang lakas ng loob upang lumapit sa mama. “Magandang gabi po. Mawalang galang lang po, kailangan niyo po ba ng kapalit sainyong trabaho?” sabi ko. “Ehh marunong ka ba mag maneho? Kabisado mo ba ang mga lugar at daan dito sa maynila?” mabilis niyang tinanong. “Aba simula ng aking pagkasilang ay dito na ako nanirahan. Imposibleng hindi ko pa kabisado ang maynila! Eh aba! alam ko rin ang mga “shortcuts” ” mayabang kong sinagot ang mama. “Eh kung ganon, sige kakausapin ko ang aking boss bukas ng umaga at kung pwede ko narin kunin ang cellphone number mo” sabi ng mama. Binigay ko ang number ko agad-agad at masaya akong umiwi ng aming tahanan. Pagdating ko sinalubong ako ng aking magandang asawa at napakulit kong anak. Nakita ko ang kasiyahan sakanilang mga mukha na nakita akong umuwi nang hindi malungkot at lasing. Sinalubong ako ni Chiko nang may mano at halik sa aking pisngi. Dumiretso siya sa kanyang kwarto at nagpahinga na pagkatapos. Sinagot ko ng nakangiti. Tinanong ako ng asawa ko kung may nahanap na akong trabaho at sinagot ko siya nang oo na may ngiti hanggang tenga saaking mukha. “Ano, Jose? Manager ka ulit ng kompanya? O sa isang mamahaling bangko ka nakapasok noh?” Humina ang aking loob. Hindi ko naman masisi si Anabel na umaasa siyang mataas ang posisyon ang aking makukuha. Hindi ko masabi na ako ay isang taxi driver lamang. “Asawa ko, napakaganda ng trabahong nakuha ko! Ngunit nagsasara na nang kusa ang mga mata ko. Tulog na tayo!”  Siya’y ngumiti, humalik saaking pisngi at natulog. Nagising ako sa pagtuloy tuloy na tunog ng aking cellphone. “Magandang umaga sino po ba ito?” tanong ko. “Magandang umaga, Jose Villanueva? Si Jojo Reyes ito. Yung taxi driver kagabi?” tugon niya. “AY opo, magandang umaga po sainyo.” Sagot ko naman agad. “Magandang balita! Pumayag si boss na ikaw ay maging kapalit ko. May trabaho ka na! Taxi driver ka na!” sabi niya sa masayang boses. Inulanan ko siya nang pasasalamat at binaba na naming ang telepono. Dali dali akong naligo at kumain. Nagpaalam ako kay Anabel na tutuloy na sa “bangko” para sa aking trabaho. Nakarating na ako sa address na sinabi ni Jojo. Doon, hinintay ko ang boss niya, este ang boss ko. Pagkalipas ng labing limang minuto, dumating na ang boss ng T.E.M.I o Taxi Express Manila Inc. “O ikaw ba si Jose? Ikinagagalak kitang makilala. Magsimula ka na, Jose. Mahaba pa ang araw. Marami ka pa’ng magiging pasahero” Inulanan ko si boss ng pasasalamat at bumyahe na ako. Patapos na ang araw at ginarahe ko na ang taxi sa opesina namin. Lumipas ang ilang buwan, nakasanayan ko na ang buhay taxi driver. Bihasa na ako sa lahat ng kaylangang gawin ng isang taxi driver. Isang gabi, nang pag baba ko ng taxi pag katapos ko itong igarahe, sa hindi inaasahang pagkakataon, nakita ko si Anabel, at nakita rin niya ako. “Jose? Jose ikaw ba yan?” rinig ko ang gulat sakanyang boses. Tandang tanda ko pa ang paguusap naming noong gabing iyon. “Oo! Ako ito, Anabel. Taxi driver lamang ako!” “Bakit hindi mo sinabi sakin Jose? Apat na buwan na ang nakalipas. Gabi gabi ka’ng nagsisinungaling saakin at sa anak mo. Dahil ba akala mo hindi kita matatanggap? Jose? Mahal na mahal kita. Sana naman naisip mo na tanggap kita at ipinagmamalaki kita dahil ginawa mo ang lahat para saamin ng anak mo!” Tila isang pana ang tumama sa puso ko nang marinig ko ang pinakamamahal kong asawa na masaktan dahil saaking pagkakamali. Tama siya! Hindi ko dapat itinago at ikinahiya ito. Isang marangal na trabaho ang ipinasok ko at ang pinakamahalaga sa lahat, mahal ako ni Anabel kahit ano man ang aking pasukan na trabaho. Dapat nagtiwala ako sakanya. Dapat hindi ako kailanman nag sinungaling sakanya. Paulit ulit ko’ng sinabi saaking sarili na kasalanan ko ang lahat ng ito, kasalanan ko ang lahat ng ito!. Gusto ko’ng makalimot kahit sandali lamang. Kaya iminaneho ko ang taxi papunta sa isang bar at nagpakalasing ako. Lumipas ang mga oras, lumabas ako ng bar, lasing at nagsisisigaw. Hindi pa ako nalasing nang ganon sa buong buhay ko. Hanggang sa araw na ito na ipinapahayag ko ang kwento ko, hindi ko parin maalala ang bawat pangyayari noong gabing iyon. Ayoko narin alalahanin dahil pinagsisisihan ko ang lahat. Ngunit wala na akong magagawa dahil tapos na. Iminaneho ko ang taxi. Hindi ko alam kung ano ang balak kong gawin o kung saan ako pupunta. Ipinagpatuloy ko lamang ang pagmamaneho ko hanggang tumigil ako dahil sa malakas na kalabog. Napapikit ang aking mga mata. Sinubukan kong buksan ang mga ito ngunit kusa itong nagsasara gawa nang pagiinom ko at ang huling ala ala ko lamang ay ang tunog ng kotse ng pulis. Sa wakas… naidilat ko na ang mga ito. Laking gulat ko nalang na nasa isang lugar ako, isang lugar na bago saakin. Bumilis ng bumilis ang kabog ng aking dibdib. Nanglalamig ang aking kalamnan at napakasakit ng ulo at tiyan ko. May lumapit saaking mama—- isang pulis. “Buti gising na po kayo, ser!” sabi niya agad saakin. “Lasing na lasing po kayo kagabi habang nag mamaneho… at sa masamang pangyayari may nabundol po kayong bata, maliit na bata. Kasama niya ang ina niya. Hinahanap daw niya ang tatay niya.” Dagdag pa neto. Sunod sunod ang mga kamalasan at pagkakamaling dinaranas ko netong mga nakaraang araw, pero ito na ata ang pinaka masakit at pinaka malala sa lahat. Isang inosenteng bata naaksidente dahil lang sa pagiinom ko? Dahil sa pagkakamali ko? Pano na ang kanyang kinabukasan? Ang kanyang Ina? Ang kanyang Ama? Hindi ko mapigilan ang pagtulo ng aking mga luha. Umiyak ako sa harapan ng pulis na tila isang bata. Maikokopara ko na sa pag iyak ni Chiko noong nahulog siya sa kanyang bisikleta. Bagamat hindi ko parin mapigilan ang sarili ko mabagabag at umiyak, hinanap ko ang lakas upang harapin ito na parang isang tunay na lalaki. Kinausap ko ang pulis na nakatayo malapit saaking kama. “Tatanggapin ko po ang lahat ng parusa na kailangan ko’ng matamo. Ser, maaari ko po bang malaman kung ano na ang palagay ng bata? Kamusta na ang ina niya?” “Kakakausap lang po namin sa mga doktor niya. Tila’y maliit nalang po ang tyansa na siya’y mabubuhay. Magdasal po kayo ng maigi, ser. Yung ina naman po? Nakatulala parin, walang kibo.” Tugon niya. Lalong bumigat ang aking dibdib. Patuloy nanaman ang pag buhos ng aking mga luha. Sa nangingig ko’ng boses, tinanong ko ang pulis “maaari ko po bang malaman ang ngalan ng bata?” Tumingin ang pulis sa papel na kanyang hawak at tumingin sa aking mga matang namamaga na… “Chiko po, ser. Chiko Villanueva.”

 

Mga May Akda:

Kat del Rosario
Salve Fabie
Angela Manlapaz
Moira Swann
Francesca Tuazon

Pagmamalabis

(Pork Barrel)

“Sawang sawa na ako sa paulit ulit na daloy ng mga pangyayari. Araw araw naman, pareho lang ang mga nagaganap. Kailan ba ‘to magbabago? Pagod na ‘kong maging kapatid ng kuya ko. Tila ako’y isang tutang nakatali sa bakod, na ‘di makawala. Hindi ba nila alam na ako’y may kakayahang buhatin ang aking sarili?

……Dalawang taon nang nakalipas mula nang mahalal si Kuya Randy bilang isang senador. Palibhasa, paborito siya ni mama at papa kaya sinusuportahan siya sa lahat ng gusto niya. Dumating ito sa puntong nakaalis ako ng bahay ng hindi nila hinahanap. Matagal akong wala, hindi nilang naisip na ako’y tawagan. Parang ‘di naman sila nagaalala sa’kin.

Hindi ganoon kadaling maging kapatid ng isang senador. Ordinariyo lang kaming pamilya noon, walang masyadong pera, katamtaman lamang. Mula nang maging senador si kuya, kinalimutan na niya ang aming pinanggalingan. Ang mga taong kagaya namin noon, ay mas mababa na, sa isip niya.

Gusto kong makilala bilang si Katrina Sanchez, hindi bilang “kapatid ni Senador Randy”.

Nakakatawa nga naman pala na itong lahat ng ito’y naisip ko dahil sa isang sinabi saakin ng isa kong kababata. Nagkita lang kami sa kalsada kung saan kami lumaki. Nagulat siya nang siya’y aking lapitan. Parang hindi siya makapaniwala na ako’y kausap niya. Nagbago lang ako ng pananamit at kagagaling ko lang sa pagupitan ng buhok, sabi niya na ibang tao na raw ang kanyang nakikita.

Paano kaya kung ito ang sagot ng aking problema? Ganito nalang ang gagawin ko araw araw, at kung may makilala man ako na ibang tao, hindi ko na sasabihin ang palayaw ko. Makikilala na ako bilang si Katrina, isang ordinariyong babae, at wala na si Katrina Sanchez, kapatid ng senador. Gusto ko ‘to, ako’y muling magbabalik!

 

Ilang araw na ang lumipas mula nang ako’y nagtagumpay. Ang aking mga kakilala ay nagugulat na sa aking itsura. Ibang iba na raw ako! Nakakatuwa naman at ‘di na ko nakikilala, siyempre nakakalungkot na wala na yung mga nakasanayan ko na pangyayari dahil kilala ako na kapatid ni kuya Randy, pero masaya parin ako.

Nang ako’y makaramdam ng gutom, naisipan kong dalawin ang aming suking bakery sa kabilang kanto. Natatandaan ko pa kung paano pumunta roon kaya hindi na ako humingi ng tulong kahit kanino.

Dala na rin siguro ng sobrang gutom, hindi ko napansin ang kotseng paparating. Ilang pulgada na lamang ang layo nito saakin, kaya’t ako’y gulat na gulat.

“Ate! Ok lang ba kayo? Nasaktan ka ba?” Nagmadali siyang sabihin ito at imbis na ako’y nagalit, natawa lamang ako. “Opo kuya, hindi niyo ako natamaan. Ayos lamang ako.” Tumingin siya sa sahig at sinabi niya, “Papalitan ko nalang yung natapon na tinapay. Pasensya na kayo.”  Noong ito’y nangyari, hindi ko napansin na nabitawan ko ang tinapay na hawak ko’t ngayo’y naka kalat na sa kalsada. “Hindi na.” Nawala na rin ang gutom ko dahil sa nangyari, pero siya’y namilit “Ok lang, kasalanan ko naman iyon.” Kaya pumayag nalang ako “Sige, salamat.”

Pagbigay niya saakin ng tinapay, nagpasalamat ako at nagpaalam, ngunit ako’y tinawag niyang muli. “Ate, pasensya na talaga sa nangyari.” Napangiti ako at sinabi ko sakanya, “Wala naming nasaktan, kaya okay lang.” “Sabay na tayo mananghalian para matama ko ang mali ko.” Pumayag ako at dinala niya ako sa isang kainan kung saan kami’y nagkakilala ng mas maayos.

Hinatid niya ako sa amin pero dahil ayokong malaman niya na ako’y kapatid ng senador, nagpababa lang ako sa kanto. Pagpasok ko ng bahay, tumunog ang telepono at ito’y sinagot ko. “Hello?” Lalaki ang nasakabilang linya “Katrina? Si Michael ito. Naiwan mo sa kotse ko yung phone mo. Pabalik na ako sa kanto kung saan kita binababa, balikan mo nalang doon.” Nagpunta ako sa kanto at ito’y binalik niya. “Parang ang daming malas na nangyari sa’yo ngayon, ganito ba talaga buhay mo?” Nakangiti siya saakin nung sinabi niya ito “Hindi naman, minsan minsan lang’. Tumawa siya at sinabing nagloloko lang siya. “Ito nga pala ang aking numero, pag may kailangan ka, ‘wag kang mahiyang tumawag. ” At siya’y muling umalis.

Sa mga lumipas na araw, mas lalo kaming nagka-kilala ni Michael. Siya’y isang simpleng tao na may pusong mamon, at walang ibang inisip kundi ang kapakanan ko kaya’t unti-unti nahulog ang loob ko sa kaniya.

Kalaunan ay nasabi ko na rin kay Michael ang katotohanang ako’y kapatid ng isang Senador. Malugod niya akong tinanggap, at tinulungan niya akong kalimutan ang mga poot na aking dinadamdam. Dahil dito, sinubukan kong tuparin ang lahat ng kaniyang kahilingan, at inihanda ko ang aking sarili upang gawin ang lahat para sa kaniyang kaligayahan.

“Ma, may nakilala ako——“ “O, Randy, kamusta na nga pala sina Faye? Naayos na ba ang kaso nila?”.  Tuwing susubukan kong ipaalam sa aking mga magulang ang tungkol sa amin ni Michael, lagi lamang nauuwi ang usapan sa mga problema ni Kuya Randy.

Nang sumunod na araw, nagpaalam si Michael na siya’y ‘di makakadalo sa aming nakatakdang pagkikita. Sinabi niya na kinailangan niyang maghanap ng paraan upang madagdagan ang kaniyang kinikita.

Sabay na pumanaw ang kanilang mga magulang noong isang taon, kaya’t siya ang naiwan upang pag-aralin ang kaniyang mga nakababatang kapatid.

Ipinarating ni Michael ang kaniyang pagka-bagot sa kasalukuyang sistema sa pamahalaan. “Imbis na ibigay ko sa mga kapatid ko ang bahagi ng aking suweldo, ay napupunta ito sa gobyerno. Saan nga ba iyon napupunta? Parang wala naman akong nakikitang pagbabago.”

Sa totoo lang, hindi ko alam kung saan dinadala ni Kuya Randy ang budget na nakukuha niya kada taon. Narinig ko pa na isa sa kaniyang mga kasamahan ay nakabili ng isang mamahaling relos na may halagang mahigit isang milyong piso.

Nabigla si Michael nang ito’y aking nabanggit sa kaniya. “Paano kung napupunta lang pala sa wala ang pera naming mga nagtatrabaho ng marangal? Napakalaki ng kanilang ikinakaltas, tapos wala kaming napapala? Dapat sa mga ‘yan, ilathala ang listahan ng kanilang mga ari-arian. Para naman may alam ang publiko sa mga kayang bilhin ng mga lider na kanilang inihalal sa pwesto. “

Makalipas ang ilang linggo, isang sulat ang ipinadala sa aming bahay tungkol sa pagbili ng isang mamahaling sasakyan. Hindi ko akalaing magagawa din pala yun ng aking kapatid. Tama nga ang sinasabi ni Michael. Kaya naman pala parang wala din namang nangyayaring pagbabago. Walang nangyayaring pagunlad sa aking mga kababayan. Nalaman ko na ang laki pala ng ikinakaltas ng aking kapatid sa perang ibinibigay ng taumbayan.

Lahat ng tinitiis ng taumbayan para lamang makabayad ng buwis sa gobyerno ay napunta lang pala sa mga personal na gusto ng aking kapatid. Ang dami nilang isinasakripisyo para lamang dito. Napakamakasarili ng aking kapatid. Dapat bigyan ng hustisya ang mga inosenteng tao. Di nararapat ang kapatid ko sa lahat ng kanyang mga natatanggap. Dapat ito ay matigil ngayon din. Oras na malaman ng taumbayan itong balitang ito ay ikakagalit nila ito kaagad.

Naisipan kong kausapin si Michael tungkol sa aking nalamang balita. Nais kong magpatulong sa kanya sa aking planong gagawin. Sa tingin ko kasi, di ako kaagad agad papaniwalaan ng aking mga magulang sa binibigay nilang suporta sa aking kapatid, kayat’t agad kong tinawagan ko si Michael tungkol dito.

“Michael!”

“Oh bakit, Katrina?”

“Pwede ka bang maglaan ng onting oras para sakin?”

“O sige. Ano ba gagawin natin?”

“Okay lang ba na magkita tayo sa karinderya dito lang sa may kanto namin? May kailangan lang akong sabihin sayo na importante.”

“Tungkol san ba itong paguusapan natin?”

“Mamaya ko nalang sasabihin sayo. Kita tayo ha?”

“Sige, papunta na ako. Hintayin nalang kita.”

“Salamat, Michael. Maaasahan ka talaga.”

“Walang problema.”

Agad kong nakita si Michael sa aming tagpuan. Tinawag niya ang aking pangalan at ako’y naupo sa tapat niya. Sinabi ko ang balitang aking nalaman.

Nararapat lamang na makahanap ng hustisya mula sa abuso ng aking kuya at ng iba pang kanyang mga kasamahan, ngunit hindi ko alam paano ito mabibigyan ng solusyong nararapat.

Sa hindi inaasahang pangyayari, isang dyarber pala ng konsehal ng bayan ang nakarinig sa aming usapan. Nagulat na lamang ako nang  ipadala si Kuya Randy sa korte kung saan siya ay tinanong ng hurado tungkol sa mga balitang kumakalat.

Hindi ko inaasahan na ganito ang kahahantungan ng mga pangyayari. Natuklasan ni Kuya Randy na kami ang unang nakaalam sa kababalaghang nagaganap sa senado at sinisisi niya ang lahat kay Michael. Iniisip niyang napasama ang tingin ko sa kaniya dahil nilagyan ni Michael ng masasamang bagay ang aking isip. Hindi niya alam na ako naman talaga ang nakaisip ng ideyang ito upang mahantungan na ang kanyang maling gawain. Nais ko lamang makatulong sa mga taong naghalal at naniwala sa kanyang kakayahang mamuno ngunit wala namang napapala o natanggap na serbisyo.

 

“Ilang araw na akong hindi nakakrinig mula kay Michael. Nagaalala na ‘ko.” “Nako, mare, baka  naman meron na siyang ibang babae. Mag-ingat ka!”, pabirong sabi ni Melba. Bumilis ang pintig ng puso ko, at hindi ako mapakali. GUSTO KONG MALAMAN KUNG NASAAN SI MICHAEL. Hindi ko maintindihan bakit hindi niya sinasagot ang mga tawag ko. Bakit niya ako iniiwasan? Iiwan na ba niya ‘ko?

Patuloy akong nagbaka-sakali na muli akong makakrinig mula sa kanya. Hinanap ko siya sa mga lugar na kaniyang madalas na pinupuntahan, ngunit pati ang kaniyang mga kapatid ay hindi alam ang kaniyang kinaroroonan. ILANG ARAW NANG HINDI UMUUWI SI MICHAEL. PAANO KUNG TAMA NGA ANG SINABI NI MELBA?

Pagkatapos nang ‘di mabilang na beses na sinubukan ko siyang tawagan, ay nasagot na ito. Tumindi ang galit ko nang marinig ko ang tinig ng isang babae. “Sino ka? Nasa’n si Michael?” “Uhhhh, Katrina….” “ANO? Nasaan si Michael?!” “Katrina…..pumanaw na siya. Natagpuan siya sa bukid na may mga tama ng baril. Nandito siya ngayon sa aming opisina.”

Hindi ko alam ang aking gagawin. Wala na akong ibang matakbuhan. Binisita ko ang aking mga magulang, nagbabakasakaling sa pagkakataong ito ay pakinggan na nila ako. “Mayroon bang kaaway si Michael?” “Wala po, mabait po siyang tao.” “Meron bang galit sa kaniya ngayon?” Agad pumasok sa isip ko si Kuya Randy, ngunit hindi ko alam paano ito sasabihin sa aking mga magulang. Malamang sa malamang, ay ipagtatanggol nila ang aking kuya.

Hinitay ko na lamang ang ulat mula sa pulisya tungkol sa nangyari kay Michael. Ang bala ng baril na nakuha sa kaniya, ay pagmamayari ng isang nagngagalang Lester Enriquez. Agad naman siyang sumuko at inilaban ko ang kaso ni Michael sa korte.

Gumuho ang mundo ko ng malaman kong inutusan siyang pumatay ng sarili kong kapatid. Hindi ko sukat akalaing magagawa niyang bawiin ang buhay ng isang taong wala namang ginawa na ikapapahamak ng nakakarami. Kung tutuusin, ipinaglaban lang naman ni Michael ang tama. Siya’y tumayo para sa mga taong naloloko ng mga hindi naman matutularan na lider.

Hindi ko na alam ang aking gagawin. Wala na akong ibang malapitan. Wala na akong ibang karamay, at wala ng ibang magtatanggol sa akin. Sarili kong pamilya ay hindi ako sinusuportahan. Paano na ako? May karapatan pa ba akong maging masaya? Mali ba na inuna ko ang kapakanan ng taong bayan kaysa ng sarili kong kapatid?

Nakulong si Kuya Randy nang ilang taon. Samantalang sina mama at papa naman ay inaasikaso ang pagkupkop sa mga kapatid ni Michael.

 Mga May-akda:

Ordonia
Padilla
Santiago
Umali
Villanueva

…Ano?

(prostitusyon sa Cebu)

            Ang kuwento ito ay kakaiba, nakakagulat at… nakakaloka!

—-

2013

            Nagsisimula ang suliranin sa Araw ng mga Puso. Kay lamig ang daan ng hangin sa kalye ng Cebu nung naglalakad si Eloisa nang mag-isa. Sanay na siyang ganito palagi, pero parang masmalakas ang pakiramdam na pagkabigo niya sa gabing ito. Hindi niya alam kung dahil sa okasyon o sa klima ang dahilan para sa kanyang pagkalumbay, pero alam niya na desperado na siya para sa init ng pagmamahal na matagal niyang iniwanan.

            “Huy, ate!” Narinig niyang mabilis na yabag ng mga paa papuntang sakanya. Bilis siyang kinabahan at lumingon. “Nahulog po ata ito sa bag mo,” sabi ng lalaking naka-dyaket na mukhang masyadong malaki para sakanya at inabot sakanya ang isang maliit na puting papel. Pagkahawak niya, bilis na tumakbo paalis ang lalaki at nawala sa paningin ni Eloisa, na ngayon, ay litong lito na. Ang pinakanakakapagtaka ay wala naman siyang linagay na ganito sa bag niya, at wala rin naman siyang hawak kaya paano niya mahuhulog ang isang bagay na hindi naman nasakanya? Baka naman nagkamali lang ang lalaki?

            Pagkatingin niya sa kanyang hinwawak, napansin niya kung ano ang nakalagay. Isa pala siyang calling card ng isang kalapating mababa ang lipad o sa Ingles, prostitute. Nakalagay, katabi ng isang larawan ng lalaking batak at guwapo:

Nag-iisa? Kulang sa pagmamahal? Kaya ko ayusin ‘yan! ;-)
“Antonio”
09198246287

            Saktong-sakto! Tuloy siyang umuwi sa kanyang maliit na bahay at tinitigan ng mabuti ang papel na binigay sakanya ng taong di niya kilala. Ganoon na ba siyang desperada na tatawag pa sa isang prosti para makaramdam ng munting oras nang pagmamahal? Umabot na ba sa ganitong punto? Nakaupo lang siya sa sala, nagiisip nang mabuti sa mapang-akit na alok na inihandog para sakanya. At sa ilang minutong pagiisip, dumating siya sa sagot na oo.

            Alas-onse ng gabi, may kumatok sa pinto niya. Puno ng kaba, ramdam na ramdam sa tibok ng puso niya, binuksan niya ang pintuan. Nakatayo sa kanyang harapan ay ang lalaki na nakita niya sa larawan. Masguwapo pa siya sa totoong buhay, inisip ni Eloisa, parang si Coco Martin lang, yami! “Um… good evening po. Ako si Antonio, ang hinahanap mong panakip butas. Ikaw po ba si Eloisa?” Tumango siya, tinitingnan ang katawan ni ‘Antonio’. Ano na ngayon? Hindi akma ang pwesto ni Eloisa dito, kaya medyo umaangal siya ng konti, pero kahit papaano, alam niya gusto pa rin niya ito. “Sorry, iho, ngayon ko lang ‘to ginawa eh… Ano ba gagawin?” Tumawa si Antonio, na parang musika sa tainga ni Eloisa. Mukha naman siyang mabait na binata, wala naming mali sa ginagawa niya.

            Lumapit ang lalaki, at hinawakan ang pisngi ni Eloisa. Sa isang munting saglit, naramdaman niya ang masuyong halik sa kanyang labi.

—- 

2002

            Pagkagising ni Pablo, naramdaman niyang may kakaiba sa araw na ito. Lumabas siya sa kanyang kuwarto para kumain ng almusal nung nalaman niyang umalis ang nanay niya. Gayunman, may nakalagay na tuyo at champorado sa mesa. Ang tatay niya naman, nakahiga sa sahig, hawak-hawak ang bote ng alak. Walang kakaiba. “Tay,” sabi ni Pablo, sinusubukang gisingin ang ama, “urong ka na lang sa kama… Tay… Gising na.”

            Matang kumukurap, malabong pagkabigkas niyang sabihin, “Na… Nanay mo… Wala… Walang kwe.. Kwenta… Walang… Kwenta… Di na… Na siya.. Baba… lik…. Di… Na… Yung putang yun… Wala… Walang.. Kwenta…” Karaniwang pangyayari naman ang mga masasamang sinasabi ng tatay niya tungkol sa kanyang ina. Ngunit ngayon lang niyang nasabi na hindi na raw siya babalik. Nagtaka si Pablo. Pumunta siya sa kuwarto ng kanyang ina, at napansin niya na wala na lahat ng mga damit niya. Nawala na rin ang litrato nilang mag-ina na dating nasa ibabaw ng kanyang aparador.

—-

2014

            Lumipas ang isang taon nung hindi na ginagamit ni Pablo ang pangalan na “Antonio” dahil kakatigil lang niya ang pagiging prostitute. Ngayon na tapos na siyang mag-aral, pwede na siyang maghanap ng ibang trabaho, at hindi na siya ikinakahiya ni Eloisa, ang kanyang kasintahan na. Hindi naging hadlang sakanila ang malaking  Pagkatapos ng unang pagkikita, parang hindi matiis nilang dalawa ang pakiramdam na ang tadhana ay nagdala sakanilang dalawa para magkasama.

            Ngunit, kahit na ang pagmamahal nila ay tunay, marami pa rin silang hindi alam sa isa’t isa, lalong lalo na ang kanilang pinagdaanan. Hindi pa raw handang pag-usapan ni Eloisa lahat ng mga pagkakamali niya. Bilang isang maginoo, rinespeto ni Pablo ang desisyon ng kanyang giliw. Hindi pa rin niya sinasabi ang pagkaulila niya kasi baka umiba ang pananaw ni Eloisa sakanya. Alam niya na balang araw, kailangan rin niyang sabihin pero habang hindi pa handa si Eloisa, itatago lang niya muna ito sa kanyang puso.

            Pagdating ng Agosto, nagpasiya silang dalawa na titira na lang sila sa iisang bahay. Habang tinutulungan ni Pablo si Eloisa mag-ayos ng gamit, may nakita siyang isang karton na nakatago sa ilalim ng mga damit niya. “Ano ‘to?” tanong ni Pablo. Tinitigan ni Eloisa pero wala pa rin siyang maalaa kung ano ang nasa loob. “Ewan. Buksan mo kaya.”

            Pagbukas ni Pablo, tumaas ang balahibo niya, at naalala niya lahat. Lahat ng mga alaala niya, lahat ng pinagdaanan niya, lahat ng mga bangungot niya, pasigaw na bumabalik sa kanyang isipan. Hindi siya makagalaw.

            Tinitigan niya si Eloisa nang mabuti.

            “…Inay?”

            “Ano sabi mo?” Tiningnan ni Eloisa si Pablo at nakita niyang hawak-hawak ang litrato niya kasama ang kanyang anak na iniwan dating dati pa dahil sa nangaabusong, lasinggerong asawa. Dumilat ang kanyang mata.

            “…Anak?”

            Teka… Ano?

Mga May Akda:

DATUIN, Dana
FIGUEROA, Melissa
MEJIAS, Frances
REGINO, Rianna
VIEL, Chiara

Sindak

(2013 7.2 Magnitude Bohol Earthquake)

Maganda ang panahon sa Bohol noong Oktubre 15 ng tanong 2012.  Kaya naman dinagsa ng mga turista galing sa iba’t-ibang sulok ng mundo at lalo na sa bansa, upang makita ang natural na kagandahan na inihahandog lamang ng probinsya. Ngunit para sa magkakaibigang sila Jessie, Pao, Carlo, Sophie, at Aaron, hiyang at nasayangan na sila sa oras na dapat sana ay nagamit na nila upang ikutin ang mga tanawin dahil hindi pa sila nakapag-desisyon kung saan muna sila pupunta. Sila kasi ay hamak na magaaral lamang kaya’t limitado lamang ang kanilang oras kung kaya’t dapat pili lamang ang kanilang mapupuntahan. Kaya naman sa gitna na ng Hotel Lobby sila’y nag-isip ngunit nahirapan pa rin sila. Pa’no ba kasi, iba’t-iba ang gusto ng bawat’t isa kaya’t sila’y nagkakatalonan.

“Alam niyo, napakaganda ng Butterfly Emporium at natitiyak ko na marami tayong matututunan. Nakita ko sa internet na marami at magaganda ang reviews nito.” hirit ni Aaron.

“Sus! Gusto mo lang yon kasi ikaw ay isang malaking nerd! At tsaka, alam naman nating lahat na gusto mo ring makitang nagtatalik ang mga paru-paro!” halakhak ni Carlo.

“Carlo, kadiri ka talaga! Eh pero… kung ako talaga ang tatanungin, magandang simulan ang araw na ito sa pamamagitan ng River Cruise! All-you-can-eat pa ang pagkain, saan ka pa!” tungo ni Pao.

“Hala! Pumunta nga tayo sa Bohol eh… edi dapat sa Chocolate Hills muna tayo! Nako, dami niyo pang sinabi. Wala naman yan sa number one tourist attraction dito! Ang sabi naman ni Sophie.

“Haaaay. Kung hindi lang naman tayo magkakasundo, maghiwa-hiwalay na lang kaya tayo!” painis na sinabi ni Aaron sa grupo.

“Yan ka nanaman eh. Nagsasarili na lang lagi. Pero mag-barkada tayong pumunta dito kaya’t tama lamang na magkakasama tayo hanggang sa uli!” Sagot ni Pao.

“Hindi, tama si Aaron! Tutal, iba’t-iba naman ang gusto ng bawat isa. Bakit natin pipilitin diba?” ang wika naman ni Jessie.

“Hay Jessie, ‘wag ka na nga makisali! Dumadagdag ka lang eh. Sama-sama tayo!”

“Bakit, wala ba akong sabi? Grupo ko din naman ito eh!”

“Huwag kayo mag-away. Nagtitinginan na ang mga tao sa atin oh!”

River Cruise na lang kasi para wala nang away!”

“Hindi na’ko nasunod sa grupong ito. Butterfly Emporium!”

Nag Bohol pa kayo kung hindi niyo lang naman din pupuntahan ang Chocolate Hills.”

“Tumahimik nga kayo! Ang ingay!” Lahat ay napatingin kay Aaron. Hindi nila inaakala na ang dating tahimik at mabait sa grupo ay bigla na lamang mapupuno.

Wala man lamang salita na umalis si Aaron dala dala ang kanyang mga bagahe. Hindi na surpresa sa magbabarkada kung saan siya pupunta. Sumunod naman sina Jessie at Pao, na nagkataong magkaparehos ang kagustuhan. Natira ang magkasintahang nagaaway na ngayon dahil sa nangyari. Ngunit maganda ang panahon, at saying ang oras kaya’t sila’y mabilis na nagbati at kumuha ng taxi na magdadala sakanila sa Chocolate Hills.

Nakarating si Aaron sa Butterfly Emporioum, nakita niyang nagsisisimula na ang tour. Naisispan na niyang sumali sa unang grupo. Pinakita sa kanila ng tourguide ang mga iba’t ibang uri ng paru-paru. Makalipas ng ilang minuto, siya’y halos nawalan na ng boses kakasalita buong araw. Napansin ito ng kanyang partner na si Luisa.

“Magpahinga ka na muna, ako nalang ang magbibigay ng tour sa kanila.” Sabi ni Luisa.

“Salamat Luisa, sige mauna na muna ako.”

Nang narinig ni Aaron ang boses ni Luisa siya’y napatingin dahil sa kanyang kaganda-gandang boses. Napatitig si Aaron sa kanya ng ilang minuto at parang tumigil ang oras.

“Kailangan kong malaman ang kanyang pangalan, ngayon ko lang ito naramdaman.” Sabi ni Aaron sa akanyang sarili.

Nang tinuloyna ni Luisa ang tour, nakatititig na lamang si Aaron sa kany at halos hindi na siya nakinig sa mga sinasabi tungkol sa paru-paro. Napansin ni louisa ang kakaibang pagtitig ni Aaron sa kanya at sinabi “Excuse me po, nakikinig pa po kayo? O titig nalang kayo diyan?” hindi agad nakasagot si Aaron bagama’t siya’y nagulat. “aahh, nakikinig ako.” pautal-utal niyang sinabi.

Nang matapos ang tour, sila ay pinayagan ng mag-ikot mag-isa. Mahoyang lumapit si Aaron kay Luisa, at tinanong siya “Miss, maari ko bang mahingi ang inyong pangalan?”

“Bakit? Sa tingin mo bang ibibigay ko nalang ng basta basta ang aking pangalan? Aba, baka ikaw ay isang mamatay tao!”

“Aba, hindi ah! gusto ko lang malaman ang pangalan mo dahil sobrang ga-err galing mong magbigay ng tour.” Tungo ni Aaron.

“Sigurado ka ha!  Baka isang araw makita ko nalang bigla sarili ko sa langit.”

“Oo, pangako.” Hindi mapigilang ngumiti ni Aaron.

“Hmmm. Pangalan ko’y Luisa.”

“Magandang Araw Luisa! Ako nga pala si Aaron.”

Lumipas ang ilang minutongunit di nila napansin na sila’y magkasama na pala sapagkat maginhawa at komportable ang pakiramdam nila sa isa’t isa. Sila’y lumabas sa balkonahe ng Emporium. Tinanaw nila ang Chocolate Hills. Lumalim ang kanilang pag-uusap at sila’y nasisiyahan sa mga nalalaman nila sa isa’t isa. Nagtagal, si Aaron ay tinamaan ng ideya para suyuin si Luisa upang kumain kasama ang kanyang mga kaibigan. Ngunit siya muna’y kinabahan at baka isipin na masyado siyang nagmamadali. Pero saw akas, siya’y naglakas loob at sinabi “Luisa… Maari ba kitang ayain kumain kasama ang aking mga kaibigan?”

“…” napatitig lamang si Luisa kay aaron at di alam kung ano ang sasabihin. Nang pumasok na sa kanya ang sagot “Sorry Aaron, pero busy ako.”

Lumungkot bigla ang pkiramdam ni Aaron at winika “Kailan ka na lang pwede?”

“Busy kasi dito lalo na sa gan’tong panahon… marami kaming kailangan gawin. Patawad talaga Aaron.”

“Sorry ang kulit ko! Gusto ko lang makilala mo ang aking mga kaibigan.”

“Siguro sa susunod. Hindi lang ngayon. Sige, kailangan ko nang mauna… meron pa akong sususnod na grupo. Sa susunod!”

Naglakad si Luisa palayo, pero parang siyang huminto. Gusto niyang tumingin kay Aaron subalit binaliwala niya nalang muna ito. Nag-ikot muli si Aaron sa Emporium sa huling pagkakataon, subalit ito’y napakalungkot na ito. Sapagkat ngayon lang ulit pumasok sa isipan niya na magkakagalit pala silang magkakaibigan…

Nang naka-alis sila Pao at Jessie sa hotel, sila’y agad-agad na pumunta sa River cruise. Hind mapigilan isipin ni Pao ang naging problema nila ni Jessie. Nang napansin ni Jessie na sobrang problemado si Pao, tumigil siya maglakad at hinawakan ang kamay ni Pao at tinanong.

“Ayos ka lang ba? Kung prino-problema mo parin ang nanyari kanina sa ating mga kaibigan, ‘wag mo ng isipin yun.”

“Ang hirap eh. Pumunta tayo dito para magsaya ng sama-sama pero… sa huli naghiwalay-hiwalay parin tayo. Paano na yon pag hindi natin naayios ang problem na ito?” alalang alala si Pao.

“Pag balik natin sa hotel, maguusap-usap tayo at maaayos rin natin yan. Sa ngayon, magkasama tayong dalwa dito…at dapat tayo ay magsaya.” Sabay hinawakan ni Jessie ang kamay ni Pao, at sila ay nagkaroon ng pagkakaintindihan.

Ngunit hindi parin matangal sa isip ni Pao, at kahit iba ang pinapakita ni Jessie, alam niya na alala rin ito.

“Sana maayos namin ito…”

“Salamat at sinamahan mo ako ditto sa Chocolate Hills. Napakaganda dito… ngunit mas maganda sana kung kumpleto tayo.” Malungkot na wika ni Sophie kay Carlo.

“Lahat tayo na stress lang. Pero ang pagkakaibigan natin ay matibay. Kahit anong mangyari, walang wawasak nito. Huwag na muna natin ito problemahin, mahal.”

Marami-rami ang mga tao ngayon kung kaya’t medyo tumagal ang kanilang tour. Ngunit gayunpaman, dahil sa magandang tanawin, unit-unting nawala sa kanilang isipan ang nangyari at sila’y nagisip na kumuha ng mga litrato, Lalo na sa isang kampana sa watch tower ng Hills.

“Mahal, ngumiti ka!” sambit ng Carlos. Nang pipindutin niya na ang kamera, biglang yumanig ang lupa.

 “Ahhhhh!” may narinig silang malakas na pagsasabog. Lumakas ang pagdinig ng lupa at nawalan sila ng balance.

“Lindol! Lindol!” nagsigawan ang mga tao. Lahat ay nagkukumahog at nagtatakbuhan. “dali, lumayo kayo sa mga Chocolate Hills! Guguho ito!” may isang sumigaw.

“Saklolo!” “Nabitag ang aking mga paa!” “Tulungan niyo ang tatay ko!” “gumuho na ang Chocolate Hills!” “Pati na rin ang Kampana!” “Diyos ko!”

Naghawakan ng mahigpit ang magkasintahan at nagsimulang tumakbo sa parte ng lupa na hindi delikado. Sila’y nagdasal habang tinatakpan ang mga ulo. Puno na ng sindak ang kanilang paligid. Ngunit maimtim pa rin ang kanilang dasal na sana’y ligtas ang kanilang mga kaibigan.

            Sila’y lubos na nagaalala para sa kabutihan ng kanilang mga kaibigan nang hindi nila nakita ang bawat isa.  Hindi nila napansin ang pagkahina ng kanilang mga katawan na bunga ng kaganapang kanilang naranasan at nakalimutan nila ang kanilang munting alitan sapagkat nangibabaw ang kanilang matagal at malalim na pagkakaibigan. Hinanap nila ang isa’t isa kahit na ang iba sa kanila ay nasaktan dahil sa hindi anaasahang pangyayari, nagdarasal at nagsisisi dahil sa kanilang hindi pagkakaintindihan at ang tanging hinihiling ay makahingi ng paumanhin upang maayos ang kanilang pagkakaibigan.  Sa awa ng Panginoon, muli silang nagkita.  Maluha-luha ang magkakaiban sapagkat inakala nila na may nasawi na sa kanila.

“Kamusta na kayo? Kinabahan ako na tulayang nagkahiwalay na tayo… Patawarin niyo sana kami nang aking mahal.” Nagmamakaawang wika ni Carlo habang tumango sa pagayon si Sophie sa pinahiwatig ng kaniyang kasintahan.

“Ako rin, patawarin niyo sana ako. Hindi ko napansin kung gaano kahalaga ang ating pagkakaibigan. Pangako, simula ngayon pipilitin kong hindi magsarili masyado.” Sabi ni Aaron

“Sa palagay ko nasabi na niyong dalawa ang nilalaman ng puso’t isipan ng bawat isa sa atin. Pero ako rin ay himihingi ng kapatawaran para sa aming dalawa ni Pao.” Dinugtong ni Jessie.

Tumingin ang tatlong lalaki sa kanilang tabi at nakita nila sina Pao at Sophie na pinipigilan ang pagtulo ng kanilang mga luha. Lumapit si Carlo sa kaniyang kasintahan at siyang niyakap, habang si Jessie naman ay hinawakan ang kamay ni Pao hangang tumigil na siyang lumuha, iniisip na walang nakakakita ng kaniyang munting kilos.

“Ang importante ngayon, magkakasama tayo at walang napahamak. Magpasalamat tayo sa Diyos, at sikapin natin tumulong sa mga taong mas naapektuahan ng trahedyang ito.” Wika ni Aaron.

“Tama yan!” lahat ay nagsangayon at nagyakapan.

Marami ang nasaktan at nawalan ng buhay at ari-arian noong araw na iyon. Simbahan, opisyales ng gobyerno, mayaman, walang nakaligtas dito. Ang lindol na nangyari sa Bohol ay ang pinakamalakas sa historya ng bansa kaya naman hanggang ngayon, sila pa rin ay unti-unting bumabangon.

Itong mga bagay na nagyayari sa ating mga buhay ay mga onting paalala lamang na ang buhay ay maikli lamang kaya’t dapat natin ito pangalagaan at tratuhing kayamanan. Mapalad nga talaga ang barkada, dahil sila’y nabigyan pa ng isang pagkakataon.

Ang May Akda:

Marianne Ignacio,
Pauline Balboa,
Louise Santos,
Sofi Llamas,
Janigayle Lising

                                                                                                                                                                                                           

Misteryo Sa Bonifacio

(Vhong Navarro alleged rape case.)


            “Sa isang lugar na tinatawag na Forbeswood Heights Condominium sa Bonifacio Global City o The Fort, may nakakapangilabot, nakakapanghina, at nakakapagtaka na naganap sa sikat na komedyanteng si Ferdinand “Vhong” Navarro.”

            Habang nanonood ng balita si Detective Alfonso, narinig niya ang tunog ng kaniyang telepono at ito’y kaniyang sinagot.

            “Magandang gabi Detective Alfonso. Ito si Bernadette Taas ng SBA NBC news and current affairs. Nais naming ipaimbestiga sa iyo ang kaso ni Vhong Navarro.”

            Nagulat si Detective Alfonso sa kanyang narinig at nagtaka sa pagkakataon ng pagtawag dahil kapapanood lamang niya ang pagpapalabas ng balitang iyon. Hindi na nag-isip ng matagal si Detective Alfonso sa kaniyang isinagot.

            “Sabihin niyo lamang sa akin kung saan at kung kailan ako pwedeng magsimula. Handa akong gawin ito,” sagot ni Detective Alfonso, ganadong tinanggap and kaso.

—-

Si Detective Alfonso ay isang mahusay at kilalang detective na pinagkakatiwalaan ng National Bureau of Investigation o NBI sa Pilipinas. Marami na siyang kasong nagtapos ng matagumpay.

 

            Ilang beses na napanood at napakinggan ni Detective Alfonso ang tungkol sa pang-aakusa kay Vhong Navarro ngunit sa pagpapatuloy ng mga kwento tungkol dito, hindi pa rin nailalahad ang katotohanan. Dumating si Detective Alfonso sa istasyon ng SBA NBC news and current affairs upang makipagkita sa nakausap kagabi.

            “Hinahanap ko po si Bernadette Taas,“ tanong ni Alfonso sa gwardya. Ipinakita niya ang kaniyang ID at pinapasok na siya nito. Ilang beses na nakarating si Detective Alfonso sa istastyon ng SBA NBC news and current affairs kaya’t hindi na siya nahirapan sa paghanap kay Bernadette Taas.

            “Detective Alfonso, mabuti at ika’y nakarating,” pagbati sa kaniya ni Bernadette Taas, na naghihintay sa kaniya sa loob ng kaniyang opisina.

            “Mas makakabuti kung tayo’y magsimula na,” sagot naman ni Detective Alfonso, sabik na maumpisahan ang kaso.

            “Meron po kaming mga videos na natanggap galing sa mga CCTV cameras sa loob ng condo kung saan mismo nangyari ang pagkikita ni Vhong Navarro at ni Deniece Cornejo. Itong video na ‘to ay noong Enero 22, ang araw na ginahasa daw ni Mr. Navarro si Deniece Cornejo,” sabi sa kanya ni Bernadette, sabay pinakita ang video mula sa iPad na kaniyang hawak.

            Sa video, pumasok si Vhong Navarro sa lobby ng condo. Mga 10:39 PM, pumasok si Vhong sa elevator upang umakyat sa ikalawang palapag kung saan matatagpuan ang unit ni Deniece. Noong 10:40 PM, sumunod ipinakita ang pagpasok na nag-iisang Deniece sa elevator at bumaba sa unang palapag. Lumabas din ito sa condo. Bandang 10:41 PM, pumasok ang lalaking naka-hoodie na kinilalang si Cedric Lee at ginamit din ang elevator sa pagpunta sa ikalawang palapag. 10:43 PM, pumasok ang dalawang lalaking may mga malalaking katawan. 10:56 PM, pumasok ang kapatid ni Lee na si Bernice habang nasa labas si Cornejo. 10:59 PM, lumabas ang magkapatid. Nang tumatak ang 11:01 PM, bumalik ang magkapatid na Lee at si Cornejo upang pumunta sa unit sa ikalawang palapag. 11:13 PM, doon nakita muli si Vhong na nakatali ang kamay at lumabas kasama si Cornejo, dalawang Lee, at lima pang lalaking may malalaking katawan.

            Sa kaalaman ni Detective Alfonso, kaya’t nagulpi si Vhong ay dahil sa pagmaltrato niya kay Deniece Cornejo sa kanyang condo. Nagsampa ng reklamo si Cornejo kay Vhong dahil dito.

            “Nagtataka pa rin ako hanggang ngayon, “ sabi ni Detective Alfonso kay Bernadette Taas, “kung bakit nagsampa si Cornejo ng "attempted rape" kung pag-babasihan nga naman sa CCTV videos, medyo malabo mangyari ang inerereklamo ni Cornejo.”

            “Ganun din ang sa tingin ko, “ sagot naman sa kaniya ni Bernadette, “Dahil dito umapila ang kampo ni Vhong Navarro. Patong patong na kaso ang isinampa niya kay Cornejo. Matapos mangyari ang pagsasampa, nagsalita na rin ang mastermind na si Cedric Lee. Ayon pa sa mga nakausap ko, ang mga kasama ni Cedric Lee ay isang body builder at yung isa naman ay master sa Marshall Arts,” tuloy ang pagkwento ni Bernadette Taas kay Detective Alfonso. Nakinig ng mabuti si Detective Alfonso at hindi sumabad sa pagkwento nito.

            “Ngunit Detective Alfonso, merong dalawang witness na hindi pinapaalam sa publiko,” biglang sabi ni Bernadette Taas kay Detective Alfonso. “Nais naming ipakausap sa inyo ang dalawa sa Forbeswood Heights Condominium para mas lalo mong maimbestigahan ang kaso.”

            Mas lalong pumukaw ang isipan ni Detective Alfonso sa nasabi ni Bernadette Taas. Siguradong bagong datos na naman ang makukuha niya dito.

—-

            Pagkatapos ng usapan nina Detective Alfonso at Bernadette Taas, nag-tungo si Detective Alfonso sa Forbeswood Heights Condominium. Minanmanan niya ang gusali para sa kung ano mang kakaibang pangyayari. Habang papasok ng condominium napaisip siya, marami rami na rin ang naganap sa Bonifacio Global City nitong mga nakaraang araw.

            Nang makapasok, tumigil siya panandalian sa lobby at tatanungin sana ang tagapamahala subalit nakita niya ang isang babaeng nagmamadaling palabas ng gusali, walang iba kung hindi si Deneice Cornejo. Pagkadaka’y sinundan ito ng palihim. Nawala na sa kaniyang isipan ang dalawa pang witness na dapat niyang kausapin.

            Habang nilalakad ang madidilim na kalye ng Fort Bonifacio, unti-unting nagbago ang kaniyang kapaligiran, nakapagtataka ika nga. Sa isip niya’y baka naalimpungatan lamang siya o di kaya’y inaantok pero hindi, napagtanto niyang ito’y isang realidad.

            Sa paligid niya’y, nakakita siya ng mga kakaibang nilalang. Lahat ng mga ito kabilang na ang mga tikbalang, higante, mga duwende, at madami pa. Sa hindi kalayuan, nahuli ng kanyang mga mata ang pagbabago ni Deniece mula sa tao ay naging diwata. Kumanan ito at nakita ni Detective Alfonso ang paghalubilo niya sa kaniyang mga ka-uri.

            Nilabas niya ang kamerang dala, naghahandang kunan ang pangyayari sa harap niya. Pagkapindot ng kamera, isa lamang itong aninag ng ilaw. Kinuha ang recorder at sinubukang mairecord ang mga boses habang nakatago sa likod ng puno upang hindi mahuli.

            Dumating ang isang baguhan at lumapit sa grupo nila Deneice. Dali daling nakilala ni Detective Alfonso na ito ay si Cedric Lee ngunit unti unti’y naging isang engkanto. Kasama niya ang mga body-builder na dahan dahan ay naging mga kapre. Nakinig siya ng maigi sa kanilang pag-uusap upang sana ay makahanap ng mga maaaring magamit sa kaso.

            “Nalalapit na ang tamang panahon. Nadarama ko na ang takot ng mga taong naninirahan dito. Sa wakas, malapit na nating muling maging teritoryo ang Fort Bonifacio.”

            “Panigurado, napapaisip na ang mga tao sa lahat ng mga pangyayari nagaganap. Naikokonekta na nila ang lahat ng mga aksidenteng maging isa pang malaking bagay.”

            Tumawa ang diwata. “Wasto nating isipin na ang huling ginawa natin ang magiging isang malaking pasabog sa media.”

            “Nalalapit na ang pagkawala ng mga kalakal dito, makukuha na nating muli ang ating kabahayan.”

            “Magsisisi ang mga taga-Maynila sa paglalagay ng kahit isang semento sa ating lupa.”

            “Gusto ko ‘yang iniisip mo! May isa nga lang tayong problema,” sabi ng isa sa mga kapre.

            “Ano iyon?” tanong ng engkanto.

            “Anong gagawin natin sa lalaking na nagtatago sa likod ng puno?”

            Nanlaki ang mga mata ni Detective Alfonso, naghandang kumaripas ng takbo ngunit huli na bago pa niya ito magawa dahil may humablot sa kaniya mula sa likod at nakaramdam ng matinding sakit mula sa kaniyang ulo. Ang huling nakita niya ay ang sangay ng isang punong balete bago nagdilim ang kaniyang mundo.

—-

            Nagising sa sakit ng ulo si Detective Alfonso sa kaniyang lamesa. Agad niyang hinanap ang kaniyang recorder. Nakakapanggulat na ingay ang kaniyang narinig nang ito’y kaniyang pinindot.

Mga May-Akda:

JUAN, Cecille
MILLAN, Dana
PALOMAR, Victoria
SALCEDO, Sophie
TORRES, Alexia

Ang Alamat Ng Hugot Na Buwan

(Ang naganap na “Moon Halo” noong Enero na nag-bigay kahulugan tungkol sa pag-big)

          Naniniwala ba kayo sa kasabihang “opposites attract?” Isa ba tong sabi-sabi o katotohanang hindi maiiwasan?

          Ako nga pala si Apollo, isang ordinaryong lalaki na walang alam kundi tumugtog ng gitara. “Hopeless romantic” nga sabi ng iba. Palagi kong iniisip na may isang babaeng mag-mamahal saakin, aalagaan ang puso ko, at siya rin aalagaan ko. Pero ayun na nga, lahat ng ito ay imahinasyon ko lamang.

          Ngunit, dumating na ang isang babae sa itinatawag na “storyang” ito.

          Ano ba kasi yang “true love, true love” na yan? Nakakainis na eh! Ay teka, ako nga pala si Luna, ang isang babaeng hinding hindi naniniwala sa “commitment” o “true love” na yan. Kaya ako, ang larong ito ay parating sinusubaybayan ko. Wala akong pake kung sino masaktan, basta ako tuloy-tuloy sa pagiging isang “player.” Yan ang dating inaatupag ko lamang, walang halong kaseryosohan sa buhay. Ngunit… gusto ko ring mag-bago. Naisip ko lang ito ngayon kasi mukhang wala akong mapapala sa ganito. Oo matalino ako sa eskwelahan, ngunit tignan mo naman ang aking “love life.” Pero ayun na nga, hindi na mag-babago ang tingin nila sakin, “malandi” dahil lahat nalang ng lalaki nilalapitan ko. Bahala na nga, tawagin nalang nila ako ng gusto nilang tawagin. Sasakay na akong jeep at mag-seseryoso nalang ako sa buhay.

          Hangga’t nagkandahulog-hulog na ang mga libro ni Luna.

          “Ay miss! Tutulungan na kita!”

           Kakaibang itsura at himala magka-pareho pa kami ng kasuotang pang-eskwelahan! Sabi niya, “Ay ay,” at namamadali siyang umalis. Ano ba yan!

          Inis na inis si Luna sa nangyari.

          Ano ba yan, ito na ngang lumalayo sa mga lalaki… Sila naman yung papunta saakin. Huli na talaga yun, walang nang urungan. At tsaka, baka may mangyari pang ayaw nating lahat ang mangyari…

          Onting nainis din si Apollo ngunit natuwa siya nung nakita niya ang babae.

          Ano banaman yung babaeng yun, tinutulungan na nga, tatakasan ka lang. Di lamang nagpakilala! Pero… pamiliar siya ah. Nakikita ko yun minsan sa eskwelahan! Pero napansin ko, iba’t ibang lalaki kada-linggo? Mukhang “player” naman yung babae. Pero sa parehong pagkakataon, maganda siya ah. Mukhang masaya kung kakaibiganin ko. Bahala na nga!

          Papasok na ang dalawa sa eskwelahan. Araw ng Martes.

          Ito na, papasok na ako ng eskwelahan. Handang handa na ako mag-seryoso lalo na sa mga asignaturang nahihirapan ako. Lalo na yang “Mathematics” na yan! Yun naman yung kaya ko eh, yung mag-aral. Mag-babago na talaga ako!

          Magkabaliktad talaga ang mundo ng dalawa. Yung isa “motivated,” pero yung isa hindi.

          Oras na para mag-aral. Nakakatamad na talaga! Debale na, mag-gigitara “session” naman kami ng mga barkada ko mamayang tanghalian! Martes nga pala ngayon o itinatawag naming “Hugot Martes,” ang araw kung kailan kakain kami, iiyak kami, at magkakantahan kahit sa kanteen lamang. Yan ang Hugot Martes!

          At sa wakas, tanghalian na rin. Ano kaya mangyayari?

          Pahinga muna, pahinga. Tanghalian na! Kailangan ko nang masanay na wala akong lalaking kasama o itinatawag na “date” o “bonding.” At para hindi ko maisip na ako lang mag-isa, gagamitin ko yung oras ng di nasasayang. Mag-aaral nalang ako!

          Si Luna, todo aral na talaga sa kanyang mundo, eh si Apollo? Magkapareho kaya?

          Sa wakas! Tanghalian na! Hugot Martes “mode” na itinatawag namin ng tropa! Mga sawi kong mga repa, ito na!

          Hangga’t nakita niya si Luna.

          “Brad, brad! Yan ang babaeng nakita ko sa jeep! Yung…biglang umalis nalang?” “Pare yan yung babaeng adik sa mga lalaki eh! Ano ba balak mo?” “De brad, kala ko kasi mukhang magiging mabuti kong kaibigan. Natuwa talaga ako kahit tinakasan ako! May pagka-“cute” brad!” “Nako, iba na yan bro!” Sabi nila ngunit tinanggihan ko yung sinabi niya dahil totoo naman eh, kahit “infatuation” pa ang tawag nila, di parin eh… Iba talaga yung tingin ko sa babaeng ito… Parang… Magiging “bestfriend” ko? Ewan ko ah, pero yun ang kutob ko.

          At nagkantahan nalang ang buong barkada.

          “Hahayaan na lang silang magkandarapa na manligaw sa’yo… Idadaan na lang kita sa awitin kong ito… Sabay ang tugtog ng gitara… (Ohhhh) Idadaan na lang sa gitara.”

           “TODO NA TALAGA SI APOLLO SA PAG-HUGOT!” Ang pag-aasar saakin ng mga kaibigan ko.

          Tawanan lang ang sila hangga’t mayroon ulit nangyari at si Luna ay mukhang naaapekto.

          Ang ingay-ingay talaga ng barkadang ito… Naiinis na talaga ako, di ako maka-aral!

          Napansin ni Apollo na parang naiinis si Luna, kaya tinignan niya ito.

          Ang lalaki nanaman sa jeep? Grabe naman ‘o. Parati nalang ba?

          At ang babae ay biglang umalis. Tinakasan ulit ang pag-tingin ni Apollo. Nag-tataka na talaga si Apollo. Mukhang hindi maganda ata ang mapapadpad nito?

          Pagkatapos ng ilang araw… Kahit ilang beses na nag-karoon ng pagtingin ang dalawa, hindi parin nilapitan ng isa ang isa, kahit kulong-kulo na ang ulo nila para sa isa’t isa. Ngunit, mayroong isang “dumamoves.”

“Uhm, miss… Naniniwala ka ba sa ‘love at first sight’?” “…Hindi.” At umalis ako. Ngunit nag-tataka si Luna, pero bumalik naman ako. “Eh, at second sight? …Pwede.” Ang banat ko. “Nako, laos na yan, at bakit ka ba kasi andito? Sino ka ba?” Sabi ni Luna. “Ako nga pala si Apollo…and you’re the APOLL(o) of my eye. Ayuuuun.” “Sorry pero, pwedeng umalis ka na?” Sabi ni Luna. Ang sakit naman bro. “Bakit ba? Bat ba parang ayaw mo saakin? ” “Ano ba gusto mong mangyari?” “Gusto ko lang naman na maging magkabigan tayo eh… Hindi ba yun pwede?” “Pag-iisipan ko muna.” “Ay nako, sabay nalang tayo mag-tanghalian.” At umupo ako sa tabi niya. “Ano ba yang binabasa mo? ‘Trigonometry’ ba yan? Nako, paborito ko yan!” “Talaga? Nakakahiya pero…hirap kasi ako diyan. At ano ba pake mo sa binabasa ko!” Hangga’t maya-maya nag-tawanan nalang kami dahil sa mga kwentong nilalabas ng aming puso’t isipan. At sinabi kong, “Pwede bang araw-araw kahit hindi sa eskwelahan, mag-sama tayo? Parang mag-‘bestfriends’ lang… Okay lang ba sa’yo?” “Oo na, oo na, bahala ka na kung ano man gusto mo!” At ako naman natuwa. “Sige, bukas, pagkatapos ng eskwelahan! Sunduin kita!”

          At araw-araw silang magkasama. Walang paki sakanilang mundo. Kahit inis na inis ang babae sa lalaki ngunit hindi pa ninyo alam ang katotohanan. At habang lumilipas ang oras, ilang araw, ilang linggo at ilang buwan, may sinabi si Luna.

          “Kailangan ko nang umalis…” Ang sinabi ko kay Apollo. “Bakit? Ang aga pa kaya! Mamaya nalang, kumuha pa tayo ng mangga sa may puno!” Ay hindi nakakaintindi si Apollo. “Hindi, kailangan ko na talagang umalis… Pupunta na akong Amerika.” “Ano?!” “At may sasabihin pa ako sa’yo…” “Ano?” “Teka… May tanong muna ako.” At napaka-kapal ang aking itatanong ngunit… Kailangan. Kailangan ko na itong matanong. “Ano?” “May gusto ka ba saakin?” At nag-taka lang siya… “Tinatanong mo ako kung gusto kita? Anong klaseng tanong yan! Diba nga magka-brad tayo?” “Ah… May sasabihin dapat kasi ako eh. Pero sige, huwag na nga!” At di nalang pinansin ni Apollo yung sinabi ko. “Wrong move” ata…

          At bago umalis si Luna, may binigay siyang papel kay Apollo.

          “Apollo, Apollo. Ang isang lalaki na araw-araw kong nakikita sa eskwelahan noong ‘Grade 7’ lamang ako… ‘Crush’ na ‘crush’ ko yun eh. Magaling mag-gitara, sobrang ‘cute’ pa, at matalino pa kahit wala namang pake sa pag-aaral. Ngunit, naisip kong wala tong pag-ibig. Di ako maniniwala. Kaya naisip kong magpaka-‘player’ nalang ako. Kaya ayun, nagkanda-sira-sira na yung buhay ko dahil lang dun. Ngunit, nung nakita kita sa jeep? Kilig na kilig ako nun kaya kinailangan kong tumakas. Tuwing nakikita kita ng tanghalian, di ko kinakaya kasi nasasaktan akong isipin na di mo naman ako lalapitan. Ngunit, nung lumapit ka. Ay nako, kilig na kilig ako. Maraming salamat sa maraming pag-sasama. Ang ating mga ‘adventures’ tuwing pagtapos ng eskwelahan. Marami tayong pinagsamahan at mas lalo pa akong napahulog sa’yo. Gusto kita, Apollo. Yun lang ang ibig kong sabihin kanina kaso… Ayaw mo saakin eh. Mag-ingat ka Apollo.”

          At bumuhos ang luha ni Apollo. Nag-sisisi. At naisip niyang ito na talaga ang babae para sakanya ngunit binitawan pa niya. Napakabaliktad talaga ang mundo ng dalawang ito. “Opposites attract” nga diba? Ngunit, di na babalik si Luna. At nag-hintay siya. Nag-hintay sa kanilang tagpuan kung saan sila tumatambay araw-araw. Nag-hintay siya. At siya ay hugot na buwan kung saan nasa loob ng isang itinatawag na “ring” dahil sa sobrang sawi… Siya ay lumayo sa iba. At nag-hintay siya araw-araw.

Mga May-akda:

ABASTILLAS, Anna
ALAÑON, Eleana
DONIEGO, Katherine
LATINAZO, Nicole
PARPAN, Lyanna